Pages

Wednesday, September 21, 2011

Makasaysayang Lungsod ng Caloocan

Ang Caloocan City ay isa sa mga siyudad na bumubuo sa National Capital Region(NCR) ng Pilipinas. Tahanan ito ng maraming Pilipino sa loob ng Metro Manila. Pangatlo itong Siyudad ng Kalookan mula sa may pinakamalalaking populasyon sa bansa, ito may bilang na umaabot sa halog isang milyon at apat naraang libo(ayon sa census na ginawa noong 2007 ng NSO). Ito lamang ang tanging lungsod sa Pilipinas na nahati sa dalawang magkalayong lugar. Ang Timog Kalookan City ay malapit sa Malabopn City, Valenzuela City, Navotas, Quezon City. Ang Hilagang Kalookan naman ay malapit sa San jose del Monte City, at Marilao, Bulacan.

Ang mga Barangay ng Caloocan. Ang Caloocan City ay binubuo at nahahati sa isang daan walumpo't walong mga barangay. Ang timog bahagi ng Caloocan ay binubuo ng sumusunod: Sangandaan, Dagat-Dagatan,  Poblacion, C-3 Road, Maypajo, Grace Park West, Victory Liner Compound, Samson Road, Monumento, Caimito Road, University Hills Subdivision, Morning Breeze Subdivision, Grace Park East, Biglang Awa, Balintawak, Grace Park East, Dorotea Compound, Galino, Barrio San Jose, Bagong Bario West, Baesa, Libis Baesa, Libis Reparo, Santa Quiteria, Talipapa, Novaliches,. Ang hilagang bahagi naman ay binubuo ng: Bagbaguin, Kaybiga, Llano, Deparo, Estrella Homes, Santa Fe Homesite, Amparo Novaville, Bagumbong, Urduja Village, Palmera Spring II, Camarin, Bagong Silang, Cielito Homes Amparo Subdivision, Miramonte Heights, Pangarap Village, Midway Park Subdivision, Bankers' Village II, Baracks II, NHC Village, Barrio San Lazaro at Phase 12.

Kasaysayan ng Caloocan. Napakahalaga ng ginampanang papel ng Caloocan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito lang naman kasi ang sentro ng mga activities ng Katipunan. Isang bahay sa Caloocan ang pinag-gaganapan ng mga lihim na pagtitipon ni Andres Bonifacio kasama pa ang ilang kaalig. At sa mismong city proper ng Caloocan naganap ang unang engkwentro at sagupaan ng Katipunan at mga Kastila. Ang salitang "caloocan" ay galing sa Tagalog na salitang ugat na "look" o "kalook-lookan" ibig sabihin "lugar sa kaloob-looban". Taman-tama ang pangalang ito sapagkat nasa gitna ng Metro Manila ang Caloocan.

Ekonomiya ng Caloocan. Maraming bangko ang sa ngayo'y nakatayo sa Caloocan, nariyan ang Banco de Oro, East West Bank, MetroBank, Maybank, Chinabank, Bank of the Philippine Islands at iba pang lokal na mga bangko. Marami rin itong shopping malls, andiyan ang: Ever Gotesco Grand Central, Victory Central  Mall, PureGold at marami pang iba.

Educational Institutions. Narito ang University of Caloocan City, university of the East - Caloocan, Holy Redeemer School of Caloocan, World Citi Colleges, Manila Central University, Systems Plus Computer College, St. Clare College of Caloocan, Mystical Rose School of Caloocan, Saint Joseph College of Novaliches, Camarin High School, Access Computer College at marami pang iba.

Kung nais mong magtungo dito sa Caloocan, mag-email lang sa villar.raymund@yahoo.com. Magpapadala kami ng listahan ng apartments and houses for rent sa Caloocan. Karaniwan na nasa anim na libong piso hanggang sampung libong piso ang bayad sa apartment, depende pa rin ito sa ganda at kalidad ng apartment na pipiliin, gayundin ang lokasyon nito mula sa mga main business districts. Samantala, kung ang hanap mu naman ay luxurious na tahanan, mag-condo ka na lang! May kamahalan nga lang ang renta, mula sampung-libong piso hanggang dalawampung libong piso. Sa katulad na parran, depende rin ang presyo sa klase ng condo na kukunin. Dito sa Caloocan, hinding-hindi ka mauubusan ng matitirahan. Kaya kung gusto mong lumipat dito, mag-email na sa akin!
 
Powered by Blogger